Hanapin ang iyong konsulado

Pagpapatakbo ng komersyal na ani

"Ako ay pinagbantaan o ginantihan"

May karapatan kang maprotektahan mula sa paghihiganti anuman ang iyong katayuan sa imigrasyon.

Para sa higit pang impormasyon sa paghihiganti, maaari mo ring bisitahin ang worker.gov/retaliation-rights.

Ang isang employer ay hindi maaaring gumanti laban sa isang manggagawa para sa paggamit ng kanilang mga karapatan, paghahain ng reklamo o pakikipagtulungan sa isang pagsisiyasat. Ang mga programang H-2A at H-2B at ang Proteksyong Batas ng Migrante at Pana-panahong mga Manggagawang Agrikultural (MSPA) ay kinabibilangan ng mga partikular na proteksyon laban sa paghihiganti para sa mga manggagawa.

Maaari mong bisitahin ang page ng Sahod at ang Makatarungang Batas sa Pamantayan ng Paggawa para sa higit pang impormasyon.

Ang mga pederal na batas sa paggawa ay nilalayon na protektahan ang kaligtasan, kalusugan, at suweldo ng manggagawa at para maiwasan ang diskriminasyon ng mga employer laban sa mga manggagawa. May karapatan kang maprotektahan mula sa paghihiganti anuman ang iyong katayuan sa imigrasyon. Maraming mga pederal na batas, kabilang ang mga naaangkop sa H-2A at H-2B na programang visa at MSPA, na nagpoprotekta sa mga manggagawa mula sa paghihiganti; hindi maaaring wakasan ng employer mo ang iyong trabaho o gumawa ng iba pang masamang aksyon laban sa iyo para sa paggamit ng mga karapatan mo.

Ang pagpapaalis sa mga manggagawa dahil sa paglalahad ng mga alalahanin sa kaligtasan ay labag sa batas. Maaari kang magsampa ng reklamo tungkol sa iyong mga kondisyon sa pagtatrabaho sa Departamento ng Paggawa, at ang iyong impormasyon ay pananatiling kumpidensyal. Sa ilang mga kaso, maaaring limitahan ng katayuan sa imigrasyon ang mga remedyo na makukuha mo kung labag sa batas na gumanti sa iyo ang iyong employer.

Ang mga proteksyon laban sa paghihiganti ay nangangalaga sa mga pangunahing karapatan na ibinibigay sa mga manggagawa sa Estados Unidos. Tulad ng nabanggit sa itaas, may karapatan kang maprotektahan mula sa paghihiganti, kabilang ang paghihiganti batay sa katayuan sa imigrasyon o paghihiganti na may kinalaman sa pagpapatupad ng imigrasyon. Tinitiyak ng mga proteksyong ito na maaaring magreklamo ang mga manggagawa sa gobyerno, makilahok sa mga pagsisiyasat sa paggawa, o magtanong sa kanilang mga emploer tungkol sa mga paglabag sa batas nang walang takot na sila ay sisesantehin o sasailalim sa iba pang masamang aksyon bilang resulta.

Bilang karagdagan sa mga legal na aksyon na maaaring gawin ng mga ahensyang nagpapatupad sa lugar ng trabaho upang pigilan o ihinto ang paghihiganti ng employer, ang mga ahensya ng pagpapatupad sa lugar ng trabaho, kabilang ang mga ahensyang nagpapatupad ng DOL (gaya ng OSHA at WHD), ang NLRB, ang EEOC, at ilang iba pang ahensya ng paggawa ay maaari ding tumulong na protektahan ang mga manggagawang nag-uulat ng mga paglabag sa lugar ng trabaho o natatakot na lumahok sa mga pagsisiyasat sa lugar ng trabaho. Ang mga manggagawang nahaharap sa mga ganitong isyu sa kanilang lugar ng trabaho ay maaaring humingi ng suporta sa DOL at iba pang ahensyang nagpapatupad ng paggawa sa paghiling ng mga proteksyon ng pagpapasya sa imigrasyon tulad ng ipinagpaliban na aksyon. Karagdagan pa, ang mga manggagawang napapailalim sa ilang partikular na krimen sa lugar ng trabaho ay maaaring maging karapat-dapat para sa sertipikasyon ng U o T visa.  Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang webpage ng DOL sa paghiling ng pahayag ng suporta para sa ipinagpalibang aksyon o iba pang mga proteksyon ng pagpapasya sa imigrasyon, webpage ng DHS sa suporta para sa pagpapatupad ng mga batas sa paggawa at trabaho, ang webpage ng NLRB sa Mga Karapatan ng Imigranteng Manggagawa, webpage ng OSHA sa mga sertipikasyon ng U & T visa, o webpage ng WHD sa mga sertipikasyon ng U & T.

Ang mga migranteng manggagawa na nagtatrabaho sa U.S. sa pamamagitan ng pansamantalang programa ng visa ay laging may karapatang mag-ulat ng mga paglabag sa gobyerno ng U.S. Gayundin, ang mga migranteng manggagawa sa mga pansamantalang programa ng visa at higit pa ay maaari ding idemanda ang kanilang employer sa ilalim ng lokal, estado, o pederal na batas. Dapat isaalang-alang ng mga manggagawa ang pagkonsulta sa isang tagapagtaguyod ng manggagawa o abogado para malaman ang higit pa tungkol sa kanilang karapatang magdemanda para sa iba't ibang pinaghihinalaang paglabag.

Mayroong dalawang espesyal na uri ng visa na maaaring magbigay ng pansamantalang katayuan sa imigrasyon kung ikaw ay biktima ng ilang partikular na krimen. Maaari kang maging kuwalipikado para sa isang U visa kung nakaranas ka ng pisikal o mental na pang-aabuso dahil sa aktibidad na kriminal at makakapagbigay ng impormasyon sa mga tagapagpatupad ng batas o mga opisyal ng gobyerno na nag-iimbestiga sa krimen. Maaari kang maging kuwalipikado para sa isang T visa kung ikaw ay biktima ng human trafficking at handang tumulong sa pagpapatupad ng batas na imbestigahan ang krimen ng human trafficking. Dapat mong isaalang-alang ang pagkonsulta sa isang tagapagtaguyod ng manggagawa o abogado para malaman kung karapat-dapat ka sa ilalim ng mga programang ito sa visa.

Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang webpage ng OSHA sa mga sertipikasyon ng U & T visa o ng WHD webpage sa mga sertipikasyon ng U & T visa.