Kung ikaw ay kinuha, ikinulong, dinala, ibinigay, o nakuha para sa paggawa, mga serbisyo, o komersyal na pakikipagtalik ng isang taong gumagamit ng puwersa, pandaraya, o pamimilit, iyon ay maaaring human trafficking.
Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang webpage ng DOL sa Paglaban sa Pagsasamantala sa Paggawa at Human Trafficking
Tingnan din ang factsheet ng OSHA ng human trafficking.
Ikaw o isang taong pinagkakatiwalaan mo ay maaari ding tumawag sa Pambansang Hotline ng Human Trafficking sa 1-888-373-7888; mag-text ng "BeFree" (233733); o LiveChat sa humantraffickinghotline.org.
Kung ang employer mo kumokontrol sa iyong pabahay at hindi ka pinapayagang umalis, tawagan ang Pambansang Hotline ng Human Trafficking sa 1-888-373-7888.
Ang iyong employer ay hindi dapat humawak sa mga dokumento mo. Kung ipinagkakait ng employer mo ang iyong ID o pasaporte mula sa iyo, ito ay tanda ng potensyal na labor trafficking.
Kung biktima ka ng human trafficking at natutugunan mo ang ilang mga kinakailangan, maaari kang maging karapat-dapat para sa U nonimmigrant status (U visa) o T nonimmigrant status (T visa).)
Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang webpage ng OSHA sa mga sertipikasyon ng U & T visa o ng WHD webpage sa mga sertipikasyon ng U & T visa