Kung naniniwala kang pinakialaman, pinigilan, o pinilit ng iyong employer o ng mga katrabaho mo desisyon mong bumuo o sumali sa isang unyon, maaari kang makipag-ugnayan sa Board ng Pambansang Relasyon sa Paggawa (NLRB) sa pamamagitan ng telepono: 1-844-762-6572 o sa www.nlrb.gov.
Ang Dibisyon ng Sahod at Oras (WHD) ng Kagawaran ng Paggawa ay nakatuon sa pagtiyak na ang mga migranteng manggagawang tulad mo ay mababayaran ng maayos para sa lahat ng oras na iyong tinrabaho.
Kung naniniwala kang hindi ka binayaran ng sahod na utang sayo, maaari kang makipag-ugnayan sa WHD sa pamamagitan ng telepono sa 1-866-487-9243.
Matuto nang higit pa dito.
Kung hindi ka binabayaran ng iyong employer sa oras, ikaw ay maaaring makipag-ugnayan sa Dibisyon ng Sahod at Oras sa pamamagitan ng telepono sa 1-866-487-9243.
Matuto nang higit pa dito.
Kung gusto mong mag-ulat ng hindi ligtas, hindi malusog, o mapanganib na mga kondisyon sa pagtatrabaho,maaari kang makipag-ugnayan sa Pangangasiwa sa Kaligtasan at Kalusugan sa Trabaho (OSHA) sa 1 -800-321-6742.
Matuto nang higit pa dito.
Mayroon kang mga proteksyon laban sa diskriminasyon at panliligalig sa trabaho at bilang bahagi ng proseso ng recruitment.
Ang Komisyon ng Pantay na Pagkakataon sa Trabaho ay ang ahensya sa U.S. na responsable para sa pagpapatupad ng mga pederal na batas laban sa diskriminasyon sa lugar ng trabaho. Para malaman ang higit pang impormasyon, bisitahin ang www.eeoc.gov o tumawag sa 1‑800‑669‑4000 / 1-800-669-6820 (TTY).
Matuto nang higit pa dito.
Ang mga pederal na batas sa paggawa ay nilayon na protektahan ang mga manggagawa mula sa paghihiganti sa pagtatanong tungkol sa o paggamit ng kanilang mga karapatan.
Matuto pa tungkol sa pag-aayos dito, o tungkol sa paghihiganti dito.
Kung naniniwala kang ginantihan ka ng employer mo para sa paghahain ng claim, pakikipagtulungan sa pagsisiyasat, o pagtatanong tungkol sa iyong mga karapatan, maaari kang tumawag sa OSHA sa 1‑800‑321‑6742, ang Dibisyon ng Sahod at Oras sa 1-866-487-9243, o ang Komisyon ng Pantay na Pagkakataon sa Trabaho sa 1‑800‑669‑4000.
Ang iyong mga proteksyon mula sa paghihiganti sa ilalim ng mga batas na ipinapatupad ng DOL ay matatagpuan dito.