Hanapin ang iyong konsulado

Mga Magsasakang Nagtatrabaho sa Bukid: Isang grupo ng mga tao sa isang bukid na nag-aani ng mga ani gamit ang mga trak.

Bilang mga migranteng manggagawa, mayroon kang mga karapatan at mapagkukunan para suportahan ka anuman ang katayuan mo sa imigrasyon. Ang Kagawaran ng Paggawa ng U.S. ay narito para tumulong at tiyaking ligtas at malusog ang iyong lugar ng trabaho, at na matatanggap mo ang buong bayad ng sahod.

Lina Fronda: Dalawang babaeng nagbebenta ng ani mula sa isang stall sa Merkado ng Pike Place.

Bilang mga migranteng manggagawa, nahaharap kayo sa partikular na mga panganib at hamon at kailangang magkaroon ng access sa suporta, mapagkukunan, at impormasyon tungkol sa mga karapatan nyo sa kabuuan ng inyong karanasan bilang isang migranteng manggagawa – mula sa recruitment, hanggang sa mga kondisyon ng trabaho habang nasa U.S., hanggang sa ligtas na pagbabalik.

Kinikilala namin na ang mga karapatan at mapagkukunang nauugnay sa iyo ay sumasaklaw sa maraming mga entidad sa sarili mong bansa at sa U.S.

Nilalayon ng website na ito na tumugon sa mga karaniwang tanong at magbigay sa iyo ng impormasyon tungkol sa mga karagdagang mapagkukunan.