Bahagi ng buhay ang mga oportunidad at sagabal, lalo na pagdating sa trabaho. Alamin kung paano makakaapekto ang mga pagbabago sa katayuan ng trabaho sa coverage sa kalusugan. Kung iniisip mo ang tungkol sa pagpapalit ng mga employer, magkaroon ng bagong trabaho, o nawalan o nagretiro mula sa isang trabaho, alamin ngayon kung paano magkaroon ng mga benepisyong pangkalusugan na maaaring kailanganin mo bukas.

Alamin ang iyong mga karapatan. Gamitin ang iyong mga opsyon.

Ang Iyong Unang Trabaho

Nagsisimula ka ba sa iyong unang trabaho? Pag-isipang mag-enroll sa planong pangkalusugan ng iyong employer. Alamin kung paano gumagana ang plano at kung anong mga kinakailangan sa pagiging kwalipikado ang kailangan mong matugunan. Ang iyong bagong employer ay dapat magbigay sa iyo ng isang paunawa ng iyong mga opsyon sa coverage sa kalusugan. Kung ang iyong employer ay nag-aalok ng higit sa isang opsyon -- isang HMO, isang ginustong opsyon ng provider, at isang high-deductible na planong pangkalusugan, halimbawa -- ihambing ang bawat isa sa iyong mga pangangailangan at kagustuhan bago gumawa ng desisyon. Humingi ng mga kopya ng dalawang pangunahing dokumento - ang Summary Plan Description, SPD at ang Summary of Benefits and Coverage, SBC - upang makakuha ng mga detalye tungkol sa mga sakop na benepisyo, ang premium at mga gastos na babayaran mo, at kung sino ang kakausapin kung mayroon kang mga tanong.

Ang isa pang opsyon na dapat isaalang-alang ay ang pagpapatala sa coverage sa pamamagitan ng Health Insurance Marketplace® (Marketplace). Ang Marketplace ay nag-aalok ng mga plano sa segurong pangkalusugan na nagbibigay ng komprehensibong coverage ng kalusugan at nagbibigay-daan sa iyong paghambingin ang mga presyo at impormasyon ng benepisyo. Tandaan na sa karamihan ng mga plano sa segurong pangkalusugan na nakabatay sa trabaho, binabayaran ng iyong employer ang bahagi ng iyong mga premium. Kung pipili ka ng isang Marketplace na plano, ang employer ay karaniwang hindi nag-aambag sa iyong mga premium.

Pagkawala ng Trabaho

Paano kung ang iyong coverage sa pangangalagang pangkalusugan ay natapos dahil nawalan ka ng trabaho, binabawasan ng iyong employer ang iyong mga oras, o natanggal ka sa trabaho? Ang pag-alam nang maaga sa iyong mga karapatan ay maaaring makapigil sa mga sitwasyong ito na wakasan ang iyong coverage sa kalusugan.

  • Maaari kang maging karapat-dapat sa ilalim ng Health Insurance Portability and Accountability Act (HIPAA) na magpatala sa planong pangkalusugan ng iyong asawa nang hindi naghihintay ng bukas na panahon ng pagpapatala. Kung isinasaalang-alang mo ang espesyal na pagpapatala, dapat kang humiling ng pagpapatala sa loob ng 30 araw ng pagkawala ng coverage.
  • Ikaw, ang iyong asawa, at ang iyong mga anak na dependent ay maaaring maging karapat-dapat na bumili ng pinalawig na saklaw ng kalusugan hanggang sa 18 buwan sa ilalim ng Consolidated Omnibus Budget Reconciliation Act (COBRA). Maaaring kailanganin mong bayaran ang buong premium kasama ang 2 porsiyentong bayad sa pamamahala.
  • Sa ilalim ng Affordable Care Act (ACA), maaari kang bumili ng indibidwal na insurance coverage sa pamamagitan ng Marketplace. Upang gawin ito, dapat kang pumili ng isang plano sa loob ng 60 araw bago o pagkatapos mawala ang iyong coverage sa kalusugan na inisponsor ng employer.
  • Makipag-ugnayan sa iyong pamahalaan ng estado upang malaman kung ikaw o ang iyong mga dependent ay karapat-dapat para sa pampublikong segurong pangkalusugan, tulad ng Medicaid o ang Programang Seguro sa Pangkalusugan ng mga Bata ng estado.

Kumuha ng impormasyon at ihambing ang iyong mga opsyon bago ka magpasya kung aling saklaw ang pipiliin.

Naghahanap ng Bagong Trabaho?

Bago lumipat ng trabaho, magtanong tungkol sa planong pangkalusugan na inaalok ng potensyal na employer at ihambing ito sa iyong kasalukuyang plano. Itanong kung ano ang coverage ng bagong plano, kung magkano ang iyong premium, at kung maaari kang magpatuloy sa parehong mga doktor. Suriin upang makita kung ang bagong plano ay may panahon ng paghihintay bago ka makapagpatala sa coverage– sa pangkalahatan, maaari itong tumagal ng hanggang 90 araw mula sa petsa na naging karapat-dapat ka para sa plano. Maaaring bigyan ka ng COBRA ng pagkakataon na bumili ng pansamantalang coverage na inaalok ng iyong dating employer habang naghahanap ka ng bagong trabaho o sa panahon ng paghihintay para sa iyong bagong planong pangkalusugan.

Pagreretiro

Kung iniisip mong magretiro, isaalang-alang kung ano ang iyong gagawin para sa coverage sa kalusugan. Habang ang ilang mga employer ay patuloy na nagbibigay ng mga benepisyong pangkalusugan sa kanilang mga retiradong empleyado, ang mga employer ng pribadong sektor ay hindi kinakailangang gawin ito. Suriin ang iyong SPD at anumang mga dokumento na nagbabago nito. Humiling at suriin ang mga kopya ng anumang pormal na dokumento ng plano na nagbabalangkas kung paano gumagana ang iyong plano, at anumang iba pang impormasyon sa mga patakaran ng iyong employer sa mga benepisyo sa pangangalagang pangkalusugan ng nagreretiro. Tandaan, hindi pinipigilan ng pederal na batas ang mga employer na putulin o bawasan ang mga benepisyong pangkalusugan maliban kung gumawa sila ng isang tiyak, legal na ipinapatupad na pangako na ipagpatuloy ang mga ito.

Kung gusto mong magretiro ng maaga, isaalang-alang kung ano ang iyong gagawin para sa pagkakasakop sa kalusugan bago ka maging karapat-dapat para sa Medicare. Maaaring kabilang sa iyong mga opsyon ang pagpapatala sa plano ng employer ng asawa, isang Marketplace na plano o pansamantalang pagpapatuloy ng coverage ng iyong employer sa pamamagitan ng pagpili sa COBRA. Alamin kung ano ang iyong mga pagpipilian bago ka magretiro dahil ang mga ito ay depende sa iyong mga indibidwal na kalagayan.

Sa isang Sulyap

HIPAA. Ang HIPAA ay nagpapahintulot sa iyo at sa iyong mga miyembro ng pamilya na magpatala nang espesyal sa planong pangkalusugan ng employer mo o ng iyong asawa kapag nawalan ka ng coverage o nakaranas ng ilang mga pangyayari sa buhay gaya ng kasal, kapanganakan, pag-aampon, o placement para sa pag-ampon. Pinoprotektahan ka rin ng HIPAA laban sa diskriminasyon sa coverage ng kalusugan batay sa ilang partikular na salik sa kalusugan tulad ng mga naunang kondisyong medikal, karanasan sa nakaraang pag-claim, at genetic na impormasyon.

ACA. Kasama sa mga proteksyong nauugnay sa mga planong pangkalusugan ng pangkat na nakabatay sa trabaho ang:

  • Pagpapalawig ng nakadependeng coverge hanggang sa edad na 26,
  • Pagbabawal sa mga dati nang umiiral na kundisyon na hindi kasama,
  • Pagbabawal sa mga taunan at panghabambuhay na limitasyon sa coverage para sa mahahalagang benepisyong pangkalusugan, at
  • Ang mga planong pangkalusugan ng grupo at mga taga-seguro ay nangangailangan na magbigay ng madaling maunawaan na Buod ng mga Benepisyo at Saklaw.

Ang ACA ay nagpapahintulot din sa iyo na magpatala sa coverage ng kalusugan sa pamamagitan ng Marketplace. Kung magpapatala ka sa coverage ng Marketplace, maaari kang maging karapat-dapat para sa isang kredito sa buwis na magpapababa sa iyong buwanang mga premium at pagbawas sa pagbabahagi sa gastos na magpapababa sa iyong mga gastos galing sa sariling bulsa para sa mga deductible, coinsurance at copayment.

COBRA. Kung ikaw ay sakop sa ilalim ng planong pangkalusugan ng iyong employer at nawalan ka ng trabaho, binawasan ang iyong mga oras, o natanggal sa trabaho at ang planong pangkalusugan ng iyong employer ay patuloy na umiiral, ikaw at ang iyong mga dependent ay maaaring maging kwalipikado na bumili ng pansamantalang coverage sa kalusugan sa mga rate ng grupo sa ilalim ng COBRA. Ang diborsyo, legal na paghihiwalay, pagkawala ng katayuan ng dependent na anak, pagkamatay ng sakop na empleyado, o karapatan sa Medicare ay maaari ding magbigay sa iyong sakop na asawa at mga anak na dependent sa karapatang pumili ng coverage ng COBRA. Dapat na maabisuhan ang iyong plano tungkol sa mga kaganapang ito. Ang planong pangkalusugan ng grupo ay dapat magbigay sa iyo ng nakasulat na paunawa ng iyong pagiging karapat-dapat para sa coverage ng COBRA. Mayroon kang 60 araw mula sa petsa na ipinadala ang paunawa o mula sa petsa ng pagtatapos ng iyong saklaw -- alinman ang mas huli -- upang piliin ang COBRA. Sa pangkalahatan, sinasaklaw ng COBRA ang mga planong pangkalusugan ng grupo na pinananatili ng mga employer na may 20 o higit pang empleyado. Kung ang employer ay may mas kaunti sa 20 empleyado, maaaring hilingin ng batas ng estado sa insurer ng plano na magbigay ng ilang pagpapatuloy na coverage.

Para sa karagdagang impormasyon

Ang Employee Benefits Security Administration (EBSA) ng Department of Labor ay nangangasiwa ng ilang mahahalagang batas sa benepisyong pangkalusugan na namamahala sa iyong planong pangkalusugan na ibinigay ng iyong employer – kung paano gumagana ang plano, kung paano ka kwalipikado para sa mga benepisyo, ang iyong mga pangunahing karapatan sa impormasyon, at kung paano gumawa ng mga paghahabol para sa mga benepisyo. Bilang karagdagan, pinoprotektahan ng mga partikular na batas ang iyong karapatan sa mga benepisyong pangkalusugan kapag nawalan ka ng coverage o lumipat ng trabaho.

Bisitahin ang EBSA para tingnan ang mga sumusunod na publikasyon. Upang mag-order ng mga kopya o humiling ng tulong mula sa isang tagapayo sa mga benepisyo, makipag-ugnayan sa EBSA o tumawag nang walang bayad sa 1-866-444-3272.

  • Isang Gabay ng Empleyado sa mga Benepisyo sa Pangkalusugan sa Ilalim ng COBRA
  • Nangungunang 10 Paraan upang Paganahin Ang Iyong mga Benepisyong Pangkalusugan Para sa Iyo
  • Ang mga Pagbabago sa Buhay ay Nangangailangan ng Mga Pagpipiliang Pangkalusugan...Alamin ang Inyong Mga Opsyon sa Benepisyo
  • Can the Retiree Health Benefits Provided by Your Employer Be Cut?
  • Retirement and Health Care Coverage…Questions and Answers for Dislocated Workers
  • Taking the Mystery Out of Retirement Planning

Maaari mo ring bisitahin ang U.S. Department of Health and Human Services o tumawag sa 1-800-318-2596 upang malaman ang higit pa tungkol sa mga plano sa Marketplace. O makipag-ugnayan sa opisina ng iyong komisyoner ng seguro ng estado.