Nakatanggap ako ng paunawa sa Impormasyon sa Benepisyo sa Pribadong Pagreretiro ng SSA. Ano ang ibig sabihin nito?
Ipinadala sa iyo ang paunawang ito ng Social Security Administration (SSA, Pangasiwaan para sa Seguridad na Panlipunan) dahil naghain ka ng claim para sa mga benepisyo sa social security. Ito ay isang paalala tungkol sa pribadong employer na mga benepisyo sa pagreretiro na nakuha mo, na tinatawag din na "deferred vested benefits". Ibinigay ng Internal Revenue Service (IRS, Serbisyo ng Rentas Internas) ang impormasyong ito sa SSA. Ang impormasyon ay ibinibigay sa IRS ng mga plan administrator (tagapangasiwa ng plano) ng mga pribadong retirement plan (plano sa pagreretiro) na sinalihan mo habang ikaw ay empleyado. Maaaring natanggap mo na ang ilan o lahat sa mga benepisyong ito. Dapat mong suriin ang impormasyon sa plano na nasa paunawang ito at makipag-ugnayan sa tinukoy na plan administrator na para maghain ng claim para sa anumang mga benepisyong dapat mong matanggap.
Kailan dapat asahan ng mga kalahok ang pagtanggap ng mga distribusyon mula sa kanilang mga retirement plan pagkatapos magwakas ang pagtatrabaho?
Sa pangkalahatan, iniaatas ng batas sa mga plan na bayaran ang mga benepisyo sa pagreretiro nang hindi lalampas sa panahon kung kailan umabot na ang kalahok sa normal na edad ng pagreretiro. Ngunit, karamihan sa mga plan -- kabilang ang mga 401(k) plan -- ay nagbibigay ng mga maagang kabayaran sa mga partikular na kalagayan. Halimbawa, maaaring pahintulutan ng mga patakaran ng plan ang mga kalahok sa isang 401(k) plan na tumanggap ng kabayaran ng mga benepisyo pagkatapos wakasan ang trabaho. Dapat nakatakda sa Summary Plan Description (SPD, Paglalarawan sa Buod ng Plano) ng plan ang mga patakaran ng plan sa pagkuha ng distribusyon pati na rin ang pagsasapanahon ng distribusyon pagkatapos magwakas ng trabaho.
Maaari bang mag-sponsor ang employer ng mahigit sa isang uri ng retirement plan? Maaari ba akong karapat-dapat para sa mga benepisyo sa pagreretiro sa ilalim ng mahigit sa isang plan? Paano kung tumatanggap na ako ng mga benepisyo sa pagreretiro?
Oo, ang employer ay maaaring, ngunit hindi kinakailangang, mag-sponsor ng mahigit sa isang uri ng retirement plan, tulad ng 401(k) na uri ng plan at ng tradisyonal na pension plan. Kung ang iyong employer ay nag-sponsor ng mahigit sa isang uri ng plan, maaari kang maging karapat-dapat para sa mga benepisyo sa pagreretiro mula sa mahigit sa isang plan. Halimbawa, maaaring nakatanggap ka ng mga benepisyo mula sa isang 401(k) o iba pang tinukoy na contribution plan (plano ng kontribusyon) sa panahong winakasan mo ang trabaho, ngunit maaari pa ring tumanggap ng mga benepisyo mula sa isang tradisyonal na pension (defined benefit) plan. Magtanong sa plan administrator na nakalista sa paunawa para malaman kung mayroon kang mga benepisyong dapat mong matanggap.
Sa pangkalahatan, mayroong dalawang uri ng retirement plan: mga defined benefit plan at mga defined contribution plan. Ang defined benefit plan ay nangangako sa iyo ng tinukoy na buwanang benepisyo sa pagreretiro. Maaaring isaad sa plan ang ipinangakong benepisyong ito bilang eksaktong halaga sa dolyar, tulad ng $100 kada buwan sa pagreretiro. O, higit pang karaniwan, maaari nitong kalkulahin ang formula ng plan na isinasaalang-alang ang mga naturang plan tulad ng suweldo at serbisyo - halimbawa, 1 porsyento ng iyong karaniwang suweldo sa nakaraang 5 taon ng trabaho para sa bawat taon ng serbisyo sa iyong employer.
Ang defined contribution plan, sa kabilang banda, ay hindi nangangako sa iyo ng tinukoy na halaga ng mga benepisyo sa pagreretiro. Sa mga plan na ito, ikaw o ang iyong employer (o kapwa) ay nag-aambag sa iyong indibidwal na account sa ilalim ng plan, na paminsan-minsan ay sa itinakdang rate, tulad ng 5 porsyento ng iyong mga kita kada taon. Ang mga kontribusyong ito ay karaniwang ini-invest sa ngalan mo. Tatanggap ka sa huli ng balanse ng iyong account, na nakabatay sa iyong mga kontribusyon na binawasan o dinagdagan ng mga kinita o ikinalugi sa investment. Ang halaga ng iyong account ay magbabago dahil sa mga pagbabago sa halaga ng iyong mga investment. Kasama sa mga halimbawa ng mga defined contribution plan ang mga 401(k) plan, 403(b) plan, mga employee stock ownership plan, at mga profit-sharing plan. Ang mga pangkalahatang patakaran ng ERISA ay naaangkop sa bawat isa sa mga uri ng mga plan na ito, ngunit naaangkop din ang ilang espesyal na patakaran.
Dapat mong repasuhin ang pangalan at impormasyon ng plan na nasa paunawa at kontakin ang plan administrator para maghain ng claim para sa mga benepisyong ito. Kung tumatanggap ka na ng mga benepisyong ito mula sa pinangalanang plan, maaari mo nang ipagwalang-bahala ang paunawa ng paalala na ito.
Kung hindi pangkasalukuyan ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan na nasa aking paunawa, paano ko mahahanap ang kasalukuyang impormasyon?
Bisitahin ang web site ng Department of Labor para mahanap ang pinakabagong taunang ulat na inihain ng iyong plan, na may kasamang impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng plan administrator, o makipag-ugnayan sa Benefits Advisor (Tagapayo sa mga Benepisyo) gaya ng nakasulat sa ibaba para sa tulong.
Paano kung ang paunawang ito ay nakalaan sa aking pumanaw na asawa? Maaari bang magpatuloy ang benepisyo para sa asawa kung unang pumanaw ang empleyado?
Ang ERISA ay nagbibigay ng ilang proteksyon sa mga naulilang asawa ng mga pumanaw na kalahok na nakakuha ng vested retirement benefit bago pumanaw. Ang katangian ng proteksyon ay nakadepende sa uri ng plan at kung pumanaw ang kalahok bago o pagkatapos nakaiskedyul magsimula ang pagbabayad sa benepisyo, na kilala bilang petsa ng pagsisimula ng annuity.
Sa isang defined benefit o money purchase plan, maliban kung iba ang pinili ng mo at ng iyong asawa, isasama sa kabayaran ang survivor’s benefit (benepisyo ng naulila). Ang survivor’s benefit na ito, na tinatawag na qualified joint and survivor annuity (QJSA, kwalipikadong annuity na magkasama at ng naulila), ay nagbibigay ng mga kabayaran sa kabuuan ng buhay mo o sa kabuuan ng buhay ng iyong asawa. Ang benepisyong kabayaran na matatanggap ng iyong naulilang asawa ay kailangang hindi bababa sa kalahati ng kabayarang benepisyo na natanggap mo sa panahong magkasama kayong nabubuhay. Kung pipiliin mong huwag tumanggap ng survivor’s benefit, parehong ikaw at ang iyong asawa ay dapat tumanggap ng nakasulat na paliwanag ng QJSA at, sa loob ng mga partikular na limit ng panahon, ay kailangan mong gumawa ng nakasulat na waiver at kailangang lagdaan ng iyong asawa ang nakasulat na pahintulot sa alternatibong form ng pagbabayad na wala ang survivor’s benefit. Ang lagda ng iyong asawa ay dapat masaksihan ng isang notaryo o kinatawan ng plan.
Sa karamihan sa mga 401(k) plan at iba pang mga defined contribution plan, ang plan ay nakasulat para maiangkop ang iba’t ibang mga proteksyon sa mga asawang naulila. Sa pangkalahatan, sa karamihan sa mga defined contribution plan, kung namatay ka bago mo pa natanggap ang iyong mga benepisyo, awtomatikong matatanggap ng iyong asawa ang mga ito. Kung gusto mong pumili ng ibang benepisyaryo, ang iyong asawa ay kailangang magpahintulot sa pamamagitan ng paglagda sa waiver, na sinaksihan ng isang notaryo o kinatawan ng plan.
Kung ikaw ay walang asawa noong nag-enroll ka sa plan at pagkatapos ay nagpakasal, mahalaga na abisuhan mo ang iyong employer at/o plan administrator at baguhin ang iyong status sa ilalim ng plan. Kung wala kang asawa, mahalagang magpangalan ng benepisyaryo.
Kung ikaw o ang iyong asawa ay umalis na sa pagtatrabaho bago mag-Enero 1, 1985, maaangkop ang ibang mga patakaran.
Paano kung ang aking employer ay nagsara, nagbenta, o nagdeklara ng pagkabangkarote. Paano ko malalaman ang higit pang impormasyon tungkol sa aking mga potensyal na benepisyo sa pagreretiro?
Kung winakasan ang plan -
Nakasaad sa Pederal na batas ang ilang hakbang para maprotektahan ang mga empleyadong sumali sa mga plan na winakasan, sa parehong defined benefit at defined contribution. Kapag winakasan ang plan, ang mga kasalukuyang empleyado ay kailangang maging 100 porsyentong may-ari ng kanilang mga naipong benepisyo. Ito ay nangangahulugan na mayroon kang karapatan sa lahat ng benepisyong kinita mo sa panahon ng pagwawakas ng plan, kahit ang mga benepisyong hindi mo pag-aari at nawala sana kung umalis ka sa employer. Kung bahagi ng plan ay winakasan, (halimbawa, kung isinara ng iyong employer ang partikular na planta o dibisyon na nagresulta sa pagwawakas ng trabaho sa malaking porsyento ng mga kalahok sa plan) ang mga apektadong empleyado ay kailangang agad na magkaroon ng 100 pagmamay-ari sa abot na pinopondohan ang plan.
Kung ang winakasang plan ay ang defined benefit plan at wala itong sapat na pera para bayaran ang mga benepisyo —
Ang Pederal na pamahalaan, sa pamamagitan ng Pension Benefit Guaranty Corporation (PBGC, Korporasyong Naggagarantiya sa Benepisyong Pensyon), ay ini-insure ang karamihan sa mga pribadong defined benefit plan. Para sa mga winakasang defined benefit plan na walang sapat na pera para bayaran ang lahat ng benepisyo, gagarantiyahin ng PBGC ang pagbabayad sa pag-aari mong mga benepisyong pensyon hanggang sa mga limit na itinatakda ng batas. Para sa higit pang impormasyon hinggil sa mga garantiya sa pagwawakas ng plan, kontakin ang Pension Benefit Guaranty Corporation nang walang bayad sa (1 800) 400-7242, o bisitahin ang web site.
Kung ang winakasang plan ay isang defined contribution plan —
Hindi ginagarantiya ng PBGC ang mga benepisyo para sa mga defined contribution plan. Ang mga fiduciary at trustee ng defined contribution plan ay dapat kumilos para bayaran ang mga asset ng plan.
Kung ibinenta ang iyong kumpanya at nai-merge ang iyong plan sa isa pang plan —
Ang mga patakaran sa iyong plan at ang mga piniling investment ay malamang na nagbago kung nakipag-merge ang iyong kumpanya sa isa pang kumpanya. Maaaring piliin ng iyong employer na i-merge ang iyong plan sa isa pang plan. Kung winakasan ang iyong plan bilang resulta ng merger, hindi maaaring mabawasan ang mga benepisyong naipon mo. Kailangan mong matanggap ang benepisyo na hindi bababa sa katumbas ng benepisyong nararapat sa iyo bago ang merger. Sa isang defined contribution plan, ang halaga ng iyong account ay maaari pa ring magbago pagkatapos ng merger batay sa pagganap ng mga investment.
Ang mga espesyal na patakaran na naaangkop sa mga merger ng mga defined benefit plan na may maraming employer ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng PBGC. Makipag-ugnayan sa PBGC para sa higit pang impormasyon nang walang bayad sa (1 800) 400-7242, o bisitahin ang web site.
Kung nabangkarote ang iyong employer —
Karaniwan, dapat hindi manganib ang iyong mga asset sa pagreretiro kung nagdeklara ng pagkabangkarote ang iyong employer. Iniaatas ng pederal na batas na pondohan nang sapat ng mga retirement plan ang mga ipinangakong benepisyo at panatilihing hiwalay sa mga asset ng negosyo ang mga asset ng plan. Kailangang mailagay ang mga pondo sa trust o mai-invest sa isang kontrata ng insurance. Ang mga creditor ng mga employer ay hindi dapat maghain ng claim sa mga pondo ng retirement plan. Gayunpaman, isang magandang ideya ang kumpirmahin na ang anumang mga kontribusyon na ibinabawas ng iyong employer mula sa iyong suweldo ay ipinapadala sa trust ng plan o kontrata ng insurance sa oras.
Ang malalaking kaganapan sa negosyo tulad ng mga pagkabangkarote, merger, at pagbili ng ibang kumpanya ay maaaring magresulta sa pag-abandona ng mga employer sa kanilang mga individual account plan (hal., mga 401(k) plan), na nagreresulta sa walang plan fiduciary na mamamahala rito. Sa ganitong sitwasyon, madalas na nahihirapan nang lubos ang mga kalahok na ma-access ang mga benepisyong nakuha nila at walang makontak para sa mga tanong. Ang mga tagapag-ingat tulad ng mga bangko, insurer, at kumpanya ng mutual fund ay naiiwang may hawak sa mga asset ng mga plan na ito ngunit walang awtoridad para wakasan ang mga plano at ipamahagi ang mga asset. Bilang pagtugon, naglabas ang Department of Labor ng mga patakaran para lumikha ng boluntaryong proseso para sa wakasan ang negosyo ng plan upang maisagawa ang mga pamamahagi ng benepisyo at mawakasan ang plan. Ang impormasyon tungkol sa programang ito ay matatagpuan sa web site ng Department of Labor.
Kailangan ng tulong mula sa isang Benefits Advisor?
Kontakin ang aming mga Benefits Advisor sa elektronikong paraan o sa pamamagitan ng pagtawag nang walang bayad sa (1 866) 444-3272.