English Español Tagalog (Pilipinas)
Pederal na Programa para sa mga Empleyado
Kinikilala at pinararangalan ng Department of Labor ang katatagan at mga sakripisyo ng mga unang tagaresponde at ng iba pang mga manggagawang rumesponde noong Setyembre 11th sa mga pag-atake ng terorista. Para sa nakararami na nahantad sa mga nakakalasong substansya habang nagtatrabaho sa Ground Zero at iba pang lugar noong 9/11, ang mga nakatagong epekto ng pagkahantad ay naugnay sa iba't ibang kasalukuyang kumplikasyon sa kalusugan.
Ang lahat ng pederal na empleyado na may medikal na kondisyon o kapansanan na idinulot ng pagganap sa mga tungkulin (kabilang ang mula sa mga pag-atake noong 9/11) ay nararapat sa saklaw na kompensasyon para sa mga manggagawa alinsunod sa Federal Employees' Compensation Act (FECA, Pederal na Batas sa Kompensasyon ng mga Empleyado). Tingnan ang http://www.dol.gov/owcp/FECA/index.htm.
Gayunpaman, kinikilala ng DOL na maaaring kumplikado ang mga claim na ito at maaaring masalimuot ang pagtatatag ng kaugnayan ng sanhi sa pagitan ng isinagawang trabaho alinsunod sa mga pag-atake noong 9/11 at kasalukuyang medikal na kondisyon o kapansanan.
Ang DOL ay may itinatag na team ng mga claims examiner (tagasuri ng mga claim) na itinakdang sa Office of Workers' Compensation Programs (OWCP, Tanggapan para sa mga Programa ng Kompensasyon para sa mga Manggagawa) ng Department of Labor para tumulong sa anumang bagong nai-file na claim sa FECA noong 9/11. Ipapaliwanag nila ang mga kailangang katibayan, at sasagutin ang anumang mga tanong ng mga claimant tungkol sa proseso at mga legal na kinakailangan.
Ang pangunahing katibayan na kailangan para sa CLAIM SA FECA NOONG 9/11 gaya ng iniaatas ng batas ay ang mga sumusunod:
- Pagkahantad – Kakailanganin mong magbigay ng katibayan ng itatagal at haba ng iyong pagkahantad sa trabaho. Maaaring kasama rito ang impormasyon tulad ng paglalarawan ng mga tungkulin sa trabaho, pederal na ahensyang pinagtrabahuhan mo, at ang lokasyon ng trabaho. Tutulungan ka ng OWCP sa pamamagitan ng paghiling sa ahensyang nagpapatrabaho sa iyo na magbigay ng impormasyon tungkol sa pagkahantad sa trabaho kabilang ang mga nauukol na rekord ng ahensya.
- Medikal – Kakailanganin mong magbigay ng medikal na katibayan na nagtatakda na ang partikular na medikal na kondisyon o kapansanang nai-claim ay pinalubha, pinatindi, nagmula sa, o direktang idinulot ng iyong mga aktibidad na nauugnay sa iyong trabaho noong 9/11. Ang pagtatatag ng naturang ugnayan ay nangangailangan ng opinyon ng kuwalipikadong doktor, batay sa makatuwirang medikal na katiyakan, na ang nasuring kondisyon ay nauugnay na sanhi ng iyong mga kalagayan sa trabaho. Ang opinyon na ito ay kailangang nakabatay sa kumpletong totoo at medikal na kasaysayan.
Pag-file ng Claim sa FECA:
Maaari kang mag-file ng claim sa FECA sa pamamagitan ng iyong nagpapatrabahong ahensya. Makakakuha ng higit pang tulong sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa claims team ng FECA sa 9/11 sa (816) 268-3045.
Mga Karagdagang Pederal na Benepisyo:
PROGRAMANG PANGKALUSUGAN NG WTC Ang mga Pederal na empleyado ay maaari ring maging karapat-dapat para sa mga benepisyo sa pamamagitan ng Programang Pangkalusugan ng World Trade Center (WTC) (isang programang nilikha sa ilalim ng James Zadroga 9/11 Health and Compensation Act of 2010 o "Zadroga Act") na pinangangasiwaan ng Department of Health and Human Services (HHS, Kagawaran ng mga Serbisyong Pangkalusugan at Pantao). Tingnan ang https://www.cdc.gov/wtc/
PONDO NG KOMPENSASYON PARA SA BIKTIMA NOONG SETYEMBRE 11th Ang mga pederal na empleyadong napinsala o mga naulila ng mga namatay bilang resulta ng mga pag-atake noong Setyembre 11th o mga pagsusumikap na maalis ang debris ay maaari ring maging karapat-dapat para sa kompensasyon mula sa Victim Compensation Fund (VCF, Pondo ng Kompensasyon sa Biktima) noong Setyembre 11th (isang programang nilikha noong 2001 at muling binuksan sa ilalim ng Zadroga Act), na pinangangasiwaan ng Department of Justice (Kagawaran ng Katarungan). Ang impormasyon tungkol sa mga patakaran at pamamaraan ng VCF tungkol sa mga pamantayan sa pagiging karapat-dapat, ang kalkulasyon ng mga gawad, at ang proseso ng mga claim ay makikita sa https://www.vcf.gov.
Mga Madalas Itanong:
Tanong: Paano ko sisimulan ang 9/11 claim sa FECA?
Sagot: Maaari kang mag-file ng claim sa pamamagitan ng iyong nagpapatrabahong ahensya. Awtomatikong ididirekta ang iyong claim sa aming Claims Team sa FECA sa 9/11.
Tanong: Paano kung mayroon na akong umiiral na claim sa FECA sa 9/11?
Sagot: Ang Claims Team ng FECA sa 9/11 ay binuo noong Disyembre 2017 upang pangasiwaan ang mga bagong paunang claim para sa mga benepisyo at tiyakin ang naaayong suporta para sa mga claimant mula sa mga pag-atake noong 9/11. Ang mga claim na isinagawa bago noong Disyembre 2017 ay mananatili sa mga umiiral na itinalagang claims examiner ngunit magkakaroon ng 9/11 Team bilang sanggunian para sa mga examiner at claimant.
Tanong: Kung tinanggap na ang aking claim ng Programang Pangkalusugan ng WTC, at kasalukuyan akong tumatanggap ng paggamot para sa mga partikular na kondisyong pangkalusugan na napagpasyahan ng HHS na nauugnay sa 9/11, ginagarantiya ba nito ang pagtanggap sa aking claim sa FECA?
Sagot: Hindi, ang pagtanggap mo ng paggamot sa pamamagitan ng Programang Pangkalusugan ng WTC ay hindi naggagarantiya ng pagtanggap sa iyong claim sa FECA dahil maaaring magbago ang katibayan at mga benepisyo sa pagitan ng programa gaya ng iniaatas ng dalawang magkahiwalay at magkaibang batas na ito.
Tanong: Maaari ka lamang bang kumuha ng medikal na katibayan sa aking mga rekord sa Programang Pangkalusugan ng WTC mula sa HHS?
Sagot: Hindi, dahil sa mga Pederal na batas sa pagkapribado, hindi maaaring atasan ng OWCP ang HHS na isiwalat ang iyong medikal na rekord sa amin. Kung gusto mong isaalang-alang ng OWCP ang iyong medikal na impormasyon sa Programang Pangkalusugan ng WTC, dapat mong ibigay sa iyong claims examiner ang kumpletong kopya ng katibayang iyon. Gayunpaman, dahil ang legal na pamantayan ng katibayan ay naiiba sa pagitan ng mga programa, maaaring kailanganin ang karagdagang medikal na katibayan para sa iyong claim sa FECA. Maaaring makatulong ang OWCP na ipaliwanag kung anong katibayan ang kailangan at kung paano magbibigay ng katibayan sa OWCP.
Tanong: Ano ang epekto ng pag-a-apply para sa mga benepisyo sa ilalim ng VCF at FECA?
Sagot: Dapat mong malaman na sa ilalim ng Zadroga Act, dapat tapatan ng VCF mula sa iyong gawad ang anumang mga benepisyo sa kapansanan, kabilang ang mga benepisyo ng FECA, na natatanggap mo, o nararapat na tumanggap bilang resulta ng iyong nararapat na kondisyon ng kalusugan ng pangangatawan. Dapat mong iulat ang anumang mga benepisyo sa FECA na iginawad alinsunod sa mga iniaatas ng VCP.
Abril 12, 2018