English Español Tagalog (Pilipinas)
Pederal na Programa ng Kompensasyon ng mga Empleyado
Ang Aming Layunin
Ang Pederal na Programa ng Kompensasyon ng mga Empleyado ay nagbibigay sa mga Pederal na empleyadong nagtamo ng pinsala o sakit na nauugnay sa trabaho ng mga benepisyo tulad ng medikal na pangangalaga, pagpapalit sa nawalang sahod, at tulong sa pagbabalik sa trabaho. Layunin naming magbigay ng mga tamang benepisyo sa lalong madaling panahon.
Pakikipag-ugnayan sa OWCP
Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa iyong claim sa OWCP, masasagot ang mga ito ng iyong superbisor o Injury Compensation Specialist (Nangangasiwa sa Kompensasyon ng Pinsala). Kung hindi niya maibibigay ang payong kailangan mo, makipag-ugnayan sa aming tanggapan.
Para sa impormasyong partikular sa kaso tungkol sa pagtatakda ng claim, makipag-ugnayan sa iyong claims examiner (tagasuri ng mga claim). Ihanda ang iyong numero ng kaso na may 9 na digit at Social Security Number kapag tumatawag. Kung mag-iiwan ka ng mensahe, mangyaring magsalita nang malinaw, at maging handa sa pag-iwan ng sumusunod na impormasyon kapag hiningi: iyong pangalan, numero ng file ng iyong kaso, numero ng iyong telepono (kabilang ang area code), at maikling mensahe na may mga partikular na tanong mo. Kailangan namin ang impormasyong ito para mahanap ang iyong file at matugunan ang iyong mga partikular na alalahanin. Pagsusumikapan namin na tawagan ka sa loob ng 2 araw ng negosyo.
Ang lahat ng medikal na provider ay dapat tumawag sa aming kontratista sa medikal na awtorisasyon at pagpoproseso ng bayarin para sa lahat ng awtorisasyon at tanong sa bayarin. Mayroong awtomatikong impormasyon ng 24 na oras sa isang araw sa 1-866-335-8319 o sa web portal para sa bayarin ng OWCP. Ang linya ng fax para sa medikal na awtorisasyon ay 1-800-215-4901. Kung ikaw, ang iyong doktor, o iba pang mga medikal na provider ay kailangang direktang makipag-ugnayan sa kinatawan ng serbisyo sa customer, maaari mong tawagan ang 1-844-493-1966, Lunes-Biyernes, 8am-8pm EST, nang walang bayad.
Maaari mong tingnan ang impormasyon sa status ng bayarin at ang pagiging karapat-dapat sa mga medikal na serbisyo sa web portal para sa pahayag ng bayarin ng OWCP.
Kung pipiliin mong sumulat sa aming tanggapan, ipadala ang iyong liham sa: U.S. Department of Labor, OWCP/DFEC, PO Box 8311, London, KY 40742-8311. Inirerekomenda na magtabi ka ng kopya ng lahat ng dokumentong ipapadala sa OWCP. Mangyaring magtanong ng mga partikular na tanong tungkol sa iyong claim, sa halip na mga pangkalahatang tanong tungkol sa status nito. Mangyaring sumulat o mag-type nang malinaw sa papel na 8 1/2 by 11" paper, at isulat ang numero ng iyong kaso sa itaas ng bawat pahina ng sulat. Maaari mong asahang tumugon sa partikular na kahilingan nang nasa oras.
Pagpapasya sa Iyong Kaso
Kung nag-file ka ng Form CA-1 para sa traumatic injury (pinsalang nakaka-trauma), at hindi nawalan ng oras sa trabaho, maaaring bayaran ng OWCP ang limitadong gastusing medikal nang hindi nagsasagawa ng pormal na pagrerepaso sa iyong claim. Sa ganitong pagkakataon, hindi ka tatanggap ng nakasulat na desisyon tungkol sa iyong claim at maaaring hindi tumanggap ng anumang iba pang liham. Maaaring ipaalam sa iyo ng kinatawan ng ahensya sa ganitong sitwasyon.
Kung gagawa kami ng pormal na pagrerepaso sa iyong kaso, responsable ka sa pagbibigay ng sapat na totoo at medikal na impormasyon para mapagpasyahan ng OWCP kung nararapat ka sa mga benepisyo. Tutulungan ka naming matugunan ang responsibilidad na ito sa pamamagitan ng paghingi sa iyo ng impormasyon na kailangan namin na hindi pa naisasama sa iyong file. Dapat kang magpadala ng anumang karagdagang impormasyon sa paraang nakasulat.
Kung nagke-claim ka ng occupational disease (sakit na nakuha sa trabaho), siguraduhin na ibinibigay mo ang lahat ng impormasyong nakabalangkas sa mga instruksyon na kasama sa Form CA-2, sa lalong madaling panahon. Kung aaprubahan namin ang iyong kaso pagkatapos ng pormal na pagrerepaso at nawalan ka ng panahon sa trabaho dahil sa pinsala, ipapaalam namin sa iyo sa paraang nakasulat ang pagtanggap at magpapadala sa iyo ng higit pang impormasyon tungkol sa iyong mga benepisyo.
Kung tatanggihan namin ang iyong kaso, bibigyan ka namin ng paliwanag kung bakit tinanggihan ang iyong claim at ganap na ipapaalam sa iyo ang iyong mga karapatan sa apela, kabilang ang mga panahon ng paggamit ng mga karapatang ito at ang mga tanggapan na dapat mong kontakin.
Kung ang pinsalang nauugnay sa trabaho ay nagresulta sa pagkamatay ng empleyado, ang claim para sa mga benepisyo ng naulia ay maaaring i-file sa Form CA-5 o 5b. Ang (mga) naulila, ang nagpapatrabahong ahensya sa ngalan ng (mga) naulila, o ang estate ay maaaring mag-file ng claim para sa mga benepisyo. Ang mga sensitibong kasong ito ay mabilis na ipinoproseso ng isang may karanasang claims examiner.
Kapansanan para sa Trabaho
Ang FECA ay nagbibigay ng mga benepisyo sa nawalang sahod para sa mga panahon ng kapansanan na dulot ng pinsala o sakit na nauugnay sa trabaho. Ang lahat ng panahon ng pagkawala ng sahod ay kailangang masuportahan ng mga medikal na ulat na nagpapakita na ikaw ay may kapansanan para sa trabaho.
Responsibilidad mong ipaalam agad sa iyong ahensya sa oras na matagpuan ng iyong doktor na kaya mong bumalik sa trabaho sa ilang kapasidad. Kailangan mong isaayos ang pagpapaalam ng iyong doktor sa iyong ahensya ng anumang mga pisikal na limitasyon dahil sa pinsala. Ang Form CA-17 ay karaniwang ginagamit para sa layuning ito. Kung ang iyong ahensya ay makapagbibigay ng trabaho sa loob ng iyong mga limitasyon, kailangan mong bumalik sa trabaho.
Karamihan sa mga empleyadong pinagdurusahan ang nakakapagdulot na kapansanan na mga traumatic injury (inihain sa File CA-1) ay karapat-dapat na tumanggap ng Pagpapatuloy ng kanilang regular na Sahod (COP) para sa kapansanan mula sa trabaho. Upang maging karapat-dapat para sa COP, kailangan mong magbigay ng medikal na katibayan na nagpapakitang may kapansanan ka para sa trabaho dahil sa mga epekto ng pinsala. Babayaran ng iyong nagpapatrabahong ahensya ang COP at gagawin ang mga karaniwang pagbawa sa iyong suweldo. HIndi maaaring bayaran ang COP ng mahigit 45 araw sa kalendaryo. Babayaran ang kompensasyon mula sa OWCP kung saan magwawakas ang COP habang nagpapatuloy pa rin ang kapansanan.
Para mai-claim ang kompensasyon sa kapansanan, kumpletuhin ang Form CA-7, na makukuha mula sa iyong nagpapatrabahong ahensya, at isumite ito sa iyong superbisor o injury compensation specialist. Siguraduhing isama ang medikal na katibayan na sumusuporta sa kapansanan para sa lahat ng panahong nai-claim.
Kung inaprubahan ang iyong kompensasyon at sinimulan mo ang pagtanggap ng mga kabayaran sa kompensasyon mula sa Tanggapang ito, dapat kang patuloy na magsumite ng Form CA-7 kada dalawang linggo, maliban kung inabisuhan ka ng Tanggapang ito na hindi na ito kailangan.
Hindi mababayaran ng COP sa mga claim para sa occupational disease. Ang Form CA-7 ay dapat mai-file para mai-claim ang kompensasyon simula sa petsa na magsisimula ang kapansanan para sa trabaho.
Medikal na Pangangalaga
Ang FECA ay nagbibigay ng mga medikal na benepisyo at serbisyong kailangan para gamutin ang tinanggap na pinsala.
Awtorisasyon sa mga Claim sa Traumatic Injury:
Kung ikaw ay nagke-claim ng traumatic injury, maaaring nag-isyu sa iyo ang ahensyang pinagtatrabahunan mo ng Form CA-16 para agad kang makakuha ng medikal na paggamot. Saklaw ng awtorisasyong ito ang paggamot na hindi operasyon at magpapatuloy ng hanggang 60 araw sa kalendaryo mula sa petsa ng pinsala.
Kung maaaprubahan ang iyong kaso, mananatili kang karapat-dapat sa medikal na paggamot para sa iyong tinanggap na kondisyon. Gayunpaman, kung tinanggihan ang iyong kaso, ang awtorisasyon na nakalagay sa Form CA-16 ay hindi magiging balido pagkatapos ng petsa ng pagtanggi.
Ang Form CA-16 ay hindi iniisyu para sa mga kaso ng occupational disease.
Pagpili ng Unang Doktor:
May karapatan kang pumili ng unang doktor na gagamot sa iyo sa iyong pinsala. Kung ini-refer ka ng doktor na iyon sa isang espesyalista, igagalang namin ang referral na iyon hangga't iyon ay para sa kondisyon na nauugnay sa trabaho. Kung una kang tiningnan ng isang doktor na itinalaga ng iyong employer, may karapatan ka pa ring piliin ang doktor na gagamot sa iyo. Kung gusto mong palitan ang doktor mula sa unang pagpili na ito, kailangan mong humiling ng pag-apruba mula sa OWCP. Magpadala ng sulat na nagsasaad ng iyong mga dahilan kung bakit gusto mo ng pagbabagong ito, kasama ang pangalan, address at espesyalidad ng doktor na gusto mong baguhin. Ipapaalam namin sa iyo ang aming desisyon sa bagay na ito. Babayaran lamang namin ang mga bayarin na mula sa doktor na una mong pinili, hanggang sa maaprubahan ang pagpapalit ng doktor.
Pangangalagang Chiropractic:
Kinikilala ng FECA ang mga chiropractor bilang mga doktor sa abot lamang na ang kanilang paggamot ay binubuo ng manwal na manipulasyon ng gulugod at kung saan lamang ang tinanggap na kondisyon ay pagkalinsad ng gulugod. Ang pagkalinsad na ito ay kailangang makitang umiiral sa x-ray. Ang x-ray ay kailangang agad na makuha pagkatapos ng nai-claim na pinsala. Ang ulat ng chiropractor ay kailangang magbigay ng eksaktong dyagnosis ng iyong kondisyon batay sa x-ray na ito at ipaliwanag kung paano nauugnay ang pagkalinsad sa nai-claim na pinsala. Ang mga referral ng chiropractor para sa ibang paggamot ay kailangang paunang maaprubahan ng OWCP.
Mga Medikal na Awtorisasyon:
Kung ang iyong pinsala ay nangangailangan ng physical therapy, kadalasan itong inaawtorisahan para sa unang 120 araw mula sa petsa ng pinsala. Kakailanganin namin ang higit pang medikal na suporta para physical therapy na higit pa sa 120 araw. Kailangan paunang maaprubahan ng OWCP ang anumang surgery o procedure maliban sa pang-emerhensyang surgery (iyon ay, procedure na dapat maisagawa agad upang mapanatili ang buhay at paggana ng organo o bahagi ng katawan. Ikaw (o ang iyong medikal na provider) ay dapat makipag-ugnayan sa OWCP para sa awtorisasyon ng hindi bababa sa 30 araw bago ang nilalayong petsa ng procedure. Ipapaalam namin sa iyo ang impormasyong kailangan para mapagpasyahan kung maaaring bayaran ng OWCP ang hiniling na procedure.
Ang mga kahilingan ng medikal na awtorisasyon ay dapat idirekta sa aming pangunahing ahente sa pagproseso ng bayarin. Matatagpuan ang higit pang impormasyon tungkol sa mga medikal na awtorisasyon sa seksyon ng Medikal na Awtorisasyon/Bill Pay para sa mga Napinsalang Manggagawa sa aming website.
Mga Medikal na Bayarin
Ang lahat ng papel na pahayag ng bayarin ay dapat isumite sa itinalagang address na pangkoreo ng U.S. Department of Labor, DFEC. Ang mga pahayag na bayarin mula sa mga medikal na provider na bukod sa iba pang mga ospital ay dapat isumite sa Form HCFA-1500 (tinatawag ding OWCP-1500). Ito rin ang karaniwang form ng medikal na bayarin na agad na makukuha ng lahat ng medikal na provider. Mangyaring siguraduhin na ang numero ng iyong kaso ay nakalagay sa form ng bayarin.
Pagbabalik ng mga Ibinayad : Ang pagbabalik ng mga ibinayad para sa bayarin na binayaran mo ay kailangan pa ring isumite sa mga parehong kailangang form na nakalista sa itaas kasama ang katibayan ng iyong pagbabayad. Isama ang Form CA-915 kasama ang lahat ng kahilingan para sa pagbabalik ng ibinayad na ito.
Mga Bayarin sa Ospital: Kailangang isumite ang mga ito sa Form UB -92. Dapat isama sa pahayag ng bayarin ang buod ang pagpasok/paglabas sa ospital sa pahayag ng bayarin.
Mga Bayarin sa Parmasya: Ang mas gustong paraan ng pagbabayad at para direktang maningil ang parmasya sa elektronikong paraan sa pamamagitan ng Point of Sale. Kailangan isama sa mga claim sa pagbabalik ng ibinayad sa parmasya ang NDC Code para sa inireresetang gamot at ang numero ng NCPDP ng vendor.
Pagbabalik ng mga Ibinayad sa Pagbiyahe: Dapat isumite ang mga kahilingan na ito sa Form OWCP-957A o OWCP-957B, na makukuha sa iyong tanggapan ng mga tauhan o kompensasyon sa pinsala Portal ng OWCP sa Pagproseso ng Medikal na Bayarin o sa page ng FECA Forms.
Karagdagang impormasyon
Pagbabago ng Address:
Kung magbabago ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan (address na pangkoreo o numero ng telepono), agad kaming abisuhan sa paraang nakasulat na may pirma mo. HIndi namin maaaring tanggapin ang mga pagbabagong ito sa telepono. Siguraduhing isama ang numero ng iyong kaso.
Mga Abogado at Awtorisadong Kinatawan:
Hindi mo kailangan ang mga serbisyo ng isang abogado o kinatawan para mag-claim ng mga benepisyo sa ilalim ng FECA. Gayunpaman, maaari kong makuha ang mga naturang serbisyo kung gusto mong gawin ito, na babayaran mo. Bago kami makapaglabas ng impormasyon sa, o talakayin ang iyong kaso sa, sinumang kinatawan, kabilang ang miyembro ng pamilya, kakailanganin namin ang pahayag na nilagdaan mo, na nagpapahayag na may itinalaga kang kumatawan sa iyo sa iyong claim sa OWCP. Kailangan din ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa panig na iyon.