English Español Tagalog (Pilipinas)
Bilang resulta ng mga katangi-tanging pinsalang sakit na nakuha sa trabaho (mga nakatagong kanser, sakit sa puso, sakit sa baga) na maaaring magkaroon ang mga bumbero, at ang pagbuo mga kumplikadong claim sa ilalim ng Federal Employees' Compensation Act (FECA, Pederal na Batas sa Kompensasyon ng mga Empleyado) na nakapaloob sa kanilang mga kaso, ang Office of Workers' Compensation Programs (OWCP, Tanggapan para sa mga Programa ng Kompensasyon para sa mga Manggagawa) ay gumagawa ng mga pagbabago upang mapasimple ang pagpoproseso ng mga pederal na claim ng bumbero. Nakalista sa ibaba ang ilan sa mga hakbang na ginagawa ng OWCP para maisakatuparan ang layuning ito:
Mga Pagbabago sa Proseso
Noong Abril 2023, nagbukas ang National Institute for Occupational Safety and Health (NIOSH, Pambansang Instituto para sa Kaligtasan at Kalusugan sa Trabaho) ng portal para sa pag-enroll sa National Firefighter Registry (NFR, Pambansang Rehistro para sa Bumbero) para sa Kanser, ang pinakamalaking pagsusumikap na isinagawa upang maunawaan at mabawasan ang panganib ng kanser sa mga bumbero sa U.S.. Ipinaaalam na ngayon ng OWCP sa lahat ng bumberong maghahain ng mga claim para sa pinsala at sakit sa ilalim ng FECA ang tungkol sa kanilang kakayahang magparehistro sa National Firefighter Registry.
Mga Pagbabago sa Patakaran
Noong Abril 19, 2022, inilabas ng OWCP ang FECA Bulletin Blg. 22-07, "Pangangasiwa ng Espesyal na Kaso sa mga Pagpoproseso at Pagpapasya ng mga Claim sa FECA ng Partikular na Bumbero." Ipinatupad ng bulletin na ito ang mga pagbabago sa patakaran upang mapadali ang mga kinakailangang katibayan upang suportahan ang mga claim na nai-file ng mga pederal na empleyadong kasali sa mga aktibidad ng pagprotekta sa at pagpuksa ng sunog para sa mga partikular na kanser, kondisyon ng puso at kondisyon ng baga.
Noong Disyembre 23, 2022, nilagdaan ni Pangulong Joe Biden ang National Defense Authorization Act of 2023 (NDAA) upang gawing batas. Ang Seksyon 5305 ng NDAA, Fairness for Federal Firefighters, ay inamyendahan ang FECA at itinakda na ang mga partikular na sakit at karamdaman ay ituturing na dulot ng trabaho sa mga pederal na aktibidad ng pagprotekta sa sunog. Habang halos kinokopya ng bagong probisyon sa batas ang Bulletin 22-07, kinailangan pa rin ng maliliit na update para maihanay ang listahan ng mga kondisyon na itinuturing na halos idinulot ng pagtatrabaho ng mga pederal na bumbero sa mga kondisyong tinukoy sa NDAA. Kaya, noong Marso 20, 2023, inilabas ng OWCP ang FECA bulletin Blg. 23-05 para ihanay ang patakaran ng FECA sa mga probisyon ng NDAA. Mahahanap mo ang Fact Sheet ng OWCP sa FECA Bulletin Blg. 23-05 dito.
Partikular na, ang mga claim ay itinuturing na ngayong mataas na panganib at kuwalipikado para sa pinabilis na pagpoproseso kung:
- Ang empleyado ay nasurian ng:
- Isa sa mga sumusunod na kanser: sa esopago, bituka, prostate, testicular, sa bato, pantog, utak, baga, thyroid, multiple myeloma, non-Hodgkin's lymphoma, leukemia, mesothelioma, o melanoma; o
- Chronic obstructive pulmonary disease o biglaang atake sa puso o stroke; at
- Nakibahagi ang empleyado sa mga aktibidad ng pagprotekta sa sunog ng hindi bababa sa limang taon; at
- Ang empleyado ay nasuriang may kondisyon nakasulat sa itaas sa loob ng sampung taon ng petsa ng huling pagkahantad sa mga pederal na aktibidad sa pagpatay ng sunog. Mayroong eksepsyon para sa biglaang atake sa puso o mga stroke na kailangang mangyari habang, o hindi lalampas ng 24 na oras pagkatapos, nakikibahagi sa mga aktibidad ng pagpatay o pagpuksa ng sunog.
Kung natutugunan ng claim ang mga pamantayan ng mataas na panganib, hindi kailangan ng empleyado na magsumite ng karagdagang katibayan ng mga partikular na pagkahantad o medikal na katibayan ng pagtugon sa kaugnayan ng sanhi. Kung hindi natutugunan ng claim ang mga pamantayang may mataas na panganib, pagpapasyahan ito sa ilalaim ng mga pamamaraan sa pagpoproseso ng kaso sa FECA.
Nakatuon ang OWCP sa pagkakaloob ng pinasimpleng proseso para sa mga bumbero na ang trabaho ay naglalagay sa kanila sa mas mataas na panganib para sa mga partikular na sakit. Sa mga pagbabago sa patakaran na ito, at sa pagtatalaga ng lahat ng claim para sa bumbero sa ating Special Claims Unit, patuloy nitong gagawing simple ang paggalugad sa proseso para sa mga Pederal na bumbero.
Kung may mga tanong ka na nauugnay sa iyong claim, mangyaring kontakin kami sa FirefighterClaimsInfo@dol.gov para makipag-ugnayan sa isa sa aming mga Superbisor ng Special Claims Unit, o maaari mong kontakin si Kim Adams, (Adams.Yemin@dol.gov), Direktor ng Tanggapan para sa mga Special Claims Unit.
Bilang panghuli, sa ibaba ay mahahanap mo ang impormasyong nag-uugnay sa kung paano mag-file ng claim sa FECA. Mangyaring tandaan na bilang isang napinsalang manggagawa, hindi mo kailangan ng pag-apruba mula sa ahensyang nagpapatrabaho sa iyo para masimulan ang iyong claim.
Paano mag-file ng claim
Para mag-file ng claim ng kompensasyon para sa mga manggagawa, kailangan mo munang magparehistro para sa account sa Employees' Compensation Operations and Management Portal (ECOMP, Portal para sa Pagpapatakbo at Pamamahala ng Kompensasyon ng mga Empleyado) sa www.ecomp.dol.gov. Ang ECOMP ay isang libreng aplikasyon na nakabase sa web. Hindi mo kailangan ang pag-apruba ng iyong superbisor o ng sinuman sa iyong ahensya para simulan ang iyong claim ng kompensasyon para sa mga manggagawa sa ilalim ng FECA. Sa oras na magparehistro ka para sa isang account sa ECOMP, makakapag-file ka ng Form CA-1 'Notice of Traumatic Injury ('Paunawa ng Pinsalang Nakaka-trauma', trauma sa iisang kaganapan) o Form CA-2 'Notice of Occupational Disease' ('Paunawa ng Sakit sa Trabaho', paulit-ulit na pagkahantad).
- Mapapanood ang isang video tutorial sa pagpaparehistro para sa account sa ECOMP upang gabayan ka sa proseso ng pagpaparehistro.
- CA-1 Notice of Traumatic Injury (Paunawa ng Pinsalang Nakaka-trauma): ang traumatic injury ay inilalarawan bilang sugat o iba pang kondisyon ng katawan na dulot ng panlabas na puwersa o kahirapan. Ang pinsala ay maaaring matukoy sa oras at lugar ng pangyayari at bahagi o paggana ng apektadong katawan, at kailangang maging dulot ito ng partikular na kaganapan o insidente sa trabaho o serye ng mga kaganapan o insidente sa trabaho sa isang araw o shift sa trabaho. Para mag-file ng claim para sa traumatic injury, dapat mong kumpletuhin ang CA-1, Notice of Traumatic Injury sa pamamagitan ng ECOMP.
- Mapapanood ang video tutorial tungkol sa pagpa-file ng Form CA-1 'Notice of Traumatic Injury' ('Paunawa ng Pinsalang Nakaka-trauma') para gabayan ka sa proseso ng pag-file ng claim.
- Mapapanood ang video tutorial tungkol sa pagpa-file ng Form CA-1 'Notice of Traumatic Injury' ('Paunawa ng Pinsalang Nakaka-trauma') para gabayan ka sa proseso ng pag-file ng claim.
- CA-2 Notice of Occupational Disease (Paunawa ng Sakit na Nauugnay sa Trabaho): Ang occupational disease ay inilalarawan bilang isang kondisyon na dulot ng nagpapatuloy o paulit-ulit na pagkahantad sa mga elemento ng kapaligiran sa trabaho sa panahong mas mahaba sa isang araw o shift sa trabaho. Para mag-file ng claim para sa occupational disease, dapat kang mag-file ng CA-2, Notice of Occupational Disease sa pamamagitan ng ECOMP.
- Mapapanood ang video tutorial tungkol sa pagpa-file ng Form CA-2 'Notice of Occupational Disease' ('Paunawa ng Sakit na Nauugnay sa Trabaho') para gabayan ka sa proseso ng pag-file ng claim.
- Mapapanood ang video tutorial tungkol sa pagpa-file ng Form CA-2 'Notice of Occupational Disease' ('Paunawa ng Sakit na Nauugnay sa Trabaho') para gabayan ka sa proseso ng pag-file ng claim.