English Español Tagalog (Pilipinas)
Division of Federal Employees' Compensation (DFEC, Dibisyon sa Pederal na Kompensasyon ng mga Empleyado)
Pagbabago sa Federal Employees' Compensation Act (Pederal na Batas sa Kompensasyon ng mga Empleyado), 5 U.S.C. § 8102a – Death Gratuity (Perang Matatanggap ng Naulila ng Empleyado)
- BENEPISYO Ang bagong probisyong ito ay lumilikha ng death gratuity para sa mga pederal na empleyado (at mga empleyado ng mga hindi inilaang pondo) sa pamamagitan ng pag-aawtorisa sa Estados Unidos na bayaran ang mga naulila ng "empleyadong namatay sa mga pinsalang natamo kaugnay ng serbisyo ng empleyado sa Sandatahang Lakas sa isang militar na operasyon." Noong Enero 28, 2008, binago ang Federal Employees' Compensation Act (FECA) sa pamamagitan ng pagdaragdag ng bagong seksyon 8102a (5 U.S.C. § 8102a - Death Gratuity). Ang probisyong ito ay lumilikha ng death gratuity para sa mga pederal na empleyado (at mga empleyado ng mga hindi inilaang pondo) sa pamamagitan ng pag-aawtorisa sa Estados Unidos na bayaran ang mga naulila ng "empleyadong namatay sa mga pinsalang natamo kaugnay ng serbisyo ng empleyado sa Sandatahang Lakas sa isang militar na operasyon." Alinsunod sa batas, ang halagang $100,000 ay kailangang mabawasan at matapatan ng anumang iba pang ibinibigay ng pederal na pamahalaan na death gratuity.
- MGA BENEPISYARYO Maliban sa iba pang mga death gratuity, ang perang ito ay inilalaan mula sa FECA at pinangangasiwaan ng Office of Workers' Compensation Programs (OWCP, Tanggapan para sa mga Programa ng Kompensasyon para sa mga Manggagawa) ng Department of Labor bilang bahagi ng program ng FECA. Ang pang-isang beses na death gratuity na ito ay ibibigay sa mga naulila ng empleyado sa isang partikular, at medyo kumplikadong pagkakasunud-sunod na itinakda sa batas. Mahalagang tandaan na ang mga kondisyon sa benepisyaryo ay katangi-tangi sa bagong probisyon ng batas na nito, at walang nakaraang umiiral na patakaran o patnubay ng DOL ang sasakop sa mga kalagayang ito.
- Hindi kailangan ang pagtatalaga kung ninanais ng empleyado na maipamahagi ang death gratuity alinsunod sa pagkakasunud-sunod na nakatakda sa Seksyon 8102a; bagaman ang malawak ang pagkakasunud-sunod na naaayon sa batas, ang legal na asawa ng empleyado sa panahon ng kamatayan ay tatanggap ng 100% ng benepisyong mababayaran baliban kung may itinalagang alternatibong benepisyaryo sa CA-40. Kung ang empleyado ay walang legal na asawa at hindi nakumpleto ang CA-40, ang mga anak ng empleyado ay magiging kabahagi sa makukuhang benepisyo. Ang pagkakasunud-sunod na naaayon sa batas pagkatapos nito ay sa iba pang tinukoy na mga miyembro ng pamilya.
- MGA ALTERNATIBONG PAGTATALAGA Inirerekomenda namin na sa anumang pagkakataon ipinadala sa ibayong dagat ang Pederal na empleyado o kaya ay itinalaga para magkaloob ng serbisyo sa Sandatahang Lakas sa militar na operasyon, gaya ng inilalarawan sa probisyong ito, na maipaalam sa kanya ang death gratuity na ito at mabigyan ng pagkakataong makumpleto ang CA 40 form kung ninanais. Ang mga empleyadong nagtalaga na nito ang dapat ding mabigyan ng pagkakataong ito. Isang empleyadong nagnanais na magtalaga ng isa o higit pang mga alternatibong benepisyaryo ng death gratuity na mababayaran sa ilalim ng probisyong ito ay kailangang kumpletuhin at lagdaan ang kopya ng form na ito, at ibigay ang orihinal sa kanyang employer na kukumpletuhin at pananatilihin ng employer sa opisyal na file ng mga tauhan ng empleyado, o sa kaugnay na sistema ng mga rekord, sakaling kailangan ito sa hinaharap. Ang empleyado ay dapat magpanatili ng kopya ng nakumpletong form.
- MGA PAGBABAGO KAMAKAILAN SA MGA PAGTATALAGA AT KINAKAILANGANG PAUNAWA NG AHENSYA Noong Disyembre 31, 2011, binago ng Kongreso ang 5 U.S.C. § 8102a, ang batas na nag-aawtorisa sa mga death gratuity sa ilalim ng FECA, sa pamamagitan ng Seksyon 1121 ng Public Law 112-81. (Tingnan ang teksto ng pagbabago sa ibaba). Alinsunod sa pagbabagong iyon, ang mga pederal na empleyado ay maaari na ngayong magtalaga ng buong death gratuity ng FECA sa isang alternatibong benepisyaryo (dati, ang pagtatalagang ito ay limitado sa 50% ng death gratuity ng FECA). Epektibo sa Disyembre 31, 2011, ang nagpapatrabahong ahensya ay kailangang abisuhan ang asawa ng pederal na empleyado, kung mayroon, kung ang empleyadong iyon ay nagtalaga ng isang indibidwal na bukod sa asawa para matanggap ang lahat o bahagi ng death gratuity ng FECA. Nagkabisa ang mga pagbabagong ito noong pinagtibay. Ini-update ang Form CA-40 para sumalamin sa pagbabagong iyon at hindi na magagamit ang mga naunang bersyon ng form. Ang kasalukuyang bersyon ng form ay matatagpuan sa http://www.dol.gov/owcp/dfec/regs/compliance/CA-40.pdf
- Para sa impormasyon tungkol sa iba pang mga aspeto ng death gratuity ng FECA, mangyaring isumite ang Subpart J ng mga kasalukuyang regulasyon sa http://www.ecfr.gov/cgi-bin/text-idx?c=ecfr&SID=c131552afa82be329e42e2c9d62a41c8&rgn=div5&view=text&node=20:1.0.1.2.2&idno=20#sp20.1.10.j.
Teksto ng Bagong Pagbabago na kasama sa Defense Authorization FY 2012:
SEKSYON 1121. PAGBABAGO SA MGA AWTORIDAD NG PAGTATALAGA NG BENEPISYARYO PARA SA DEATH GRATUITY NA MABABAYARAN SA ORAS NG PAGKAMATAY NG EMPLEYADO NG PAMAHALAAN NG ESTADOS UNIDOS SA NAGLILINGKOD SA SANDATAHANG LAKAS.
(a) AWTORIDAD NA MAGTALAGA NG MAHIGIT 50 PORSYENTO NG DEATH GRATUITY SA MGA INDIBIDWAL NA HINDI KAPAMILYA. -
(1) SA PANGKALAHATAN. - Binago ang Talata (4) ng seksyon 8102a(d) ng titulo 5, United States Code -
(A) sa pamamagitan ng pag-ekis sa unang pangungusap at paglalagay ng "Ang indibidwal na sakop ng seksyon ay maaaring magtalaga ng isa pang indibidwal na tumanggap ng halagang mababayaran sa ilalim ng seksyong ito."; at
(B) sa pangalawang pangungusap, sa pamamagitan ng pag-ekis ng "hanggang sa pinakamalaking 50 porsyento".
(2) PETSA NG PAGKABISA. - Ang mga pagbabago ay ginawa sa subseksyon na ito ay magkakabisa sa petsa ng pagpapatupad ng Batas na ito at iaangkop sa pagbabayad ng perang matatanggap ng naulila ng empleyado batay sa anumang pagkamatay na naganap sa o pagkatapos ng petsang iyon.
(b) PAUNAWA SA ASAWA NG PAGTATALAGA NG ISA PANG INDIBIDWAL NA MATANGGAP ANG BAHAGI NG DEATH GRATUITY. - Higit pang inaamyendahan ang Seksyon 8102a(d) ng naturang titulo sa pamamagitan ng pagdaragdag ng sumusunod sa katapusan:
"(6) Kung ang indibidwal na sakop ng seksyon na ito ay may asawa, ngunit itinatalaga ang isang taong bukod sa asawa na tumanggap ng lahat o bahagi ng halagang mababayaran sa ilalim ng seksyong ito, ang pinuno ng ahensya, o iba pang entidad, kung saan nagtatrabaho ang indibidwal ay magbibigay ng paunawa ng pagtatalaga sa asawa."